Once you have feelings for someone, those feelings will always be there. You may not like them anymore, but you’ll still care.

#Quotes  #Share  
6 hours ago on 05/30/12 at 07:00pm

Bye!

Bukas ko nalang itutuloy yung special updates na 3 chapters ata. Feeling ko 4am nagising si Daddy dahil maaga siya ngayon. Baka mafeel nilang mainit yung router dun sa may internet. Nakausap ko din pala si Lea sa cp ngayon. Bukas na kwento ng umaga. Bye!

22 hours ago on 05/30/12 at 03:13am

Buhay na buhay pa ako.

Di ako tinatablan ng antok. Mehehe.. Takas lang talaga tong pag lalaptop ko dahil sa wattpad. Mehehe.

1 day ago on 05/30/12 at 12:43am

~

Chapter 58 na ako sa Secretly marriage. Mehehe. Konting tiis nalang. Hanggang 70 kasi to tas may epilogue, author’s note tas 3 special na chuchu ekla. Mehehe. Pagpupuyatan ko to. Buti nalang at di ako makatulog :D

May reunion pala kami bukas, dapat swimming kaso tinamad na dahil di nakipag usap. Yung mga elem classmates ko. Sa bahay nila Isay bukas. Mehehe. Sana masaya na naman ulit ‘to. Di pa pala ako nag papaalam sa parents ko. Sa text nalang ako mag papaalam bukas. 12pm kasi bukas pero 1:30 ako dadating. Mehehe. Sana payagan ako. Sana. Sana. Kahit alam nilang may masakit sakin ngayon, sana pumayag.

1 day ago on 05/29/12 at 11:28pm

Tea tayo :)

Kakainom ko lang niyan kani-kanina lang. Jusko. Di ko talaga trip lasa niyan. Kada kasi may dysmenorrhea ako, lagi akong umiinom niyan kaso di ko nauubos. Siguro mga nasa dalawang higop lang ako tas ayaw ko na. Pero kanina, di ko na talaga makeri yung sakit. Naubos ko siya kahit muntanga na yung mukha ko habang nasa dining. Eh silang lahat ata tulog na. Ako lang naiwan. Ayun, nag init ako ng tubig tas nag tea nalang ako. Di ko pinupuno yung tasa. Kalahati lang talaga. Mehehe. Pinagtiyagaan ko. Ngayon, masakit pa din pero di na ganon kasakit. Di din ako makatulooog  -_- Haaay buhay parang life.

1 day ago on 05/29/12 at 11:20pm

11:11

Happiness..

#11:11  #Personal  
1 day ago on 05/29/12 at 11:11pm

Hello~

Takas lang to. Mehehe. Sakit ng tyan slash puson ko kaya di ako makatulog. Mehehe. Hello Guys! may online pa kaya? Si sadako po pala :)

1 day ago on 05/29/12 at 10:55pm

yougivemereasontolive asked: >:D< >:D< >:D<

Yieee. Publish ko to ‘te ha? Mehehee. Thank you sa hug :)

1 day ago on 05/29/12 at 08:23pm

Ang sama ng pakiramdam ko :(

Hug? :( Huhuhu. Ewan ko ba. Aray na aray ako. Ilang araw na ganto yung nararamdaman ko. Parang dysmenorrhea kaso di pa ako dinadatnan. Pero malapit na. Dafuq. Ayaw ko sa pasukan. Isinumpa pa ata ni Lea sa pasukan ako mag kakaron. Tas ang sakit pa ng likod ko. Haaaay -_- Oo, mag kausap kami kanina. Random lang usapan namin as usual naman. Halatang may galit pa din siya sakin. Haaaay -_-. 

1 day ago on 05/29/12 at 08:17pm

Kung nakakayaman lang siguro ang pagiging maingay, milyonaryo na ako ngayon.

1 day ago on 05/29/12 at 07:37pm

That sad moment when you find an old conversation between you and someone you don’t talk to anymore.

#Quotes  #Share  #Queue  
1 day ago on 05/29/12 at 06:50pm

RF: Nung grade 1 ako, napaluhod na ako sa munggo.

Oo. Bata pa no? Mehehe. Sobrang bait kasi namin ng ate ko. Charuuuut. Lagi kasi kaming nag aaway non. Nabanas sila Daddy. Ayun, pinaluhod kami ni ate. Grade 3 palang si ate non. Lagi kasing madahas si ate non pag nag aaway kami. Sinasabing “sweet naman kayo nung bata pa kayo tas ngayon puro kayo away” Pero ngayon buti naman at nag mature na kami ni ate. Yung away namin tahimik. Pag nag away man kami, magbabati din after ilang minutes. HAHAHAHA. Bipolar eh. Tas nakakapag share na din ako kay ate ng problems & secrets ko ngayon. Siya din, nag sha-share. Girl thing mga ganon. Hehehe. 

#RF  #Fact  #Personal  
1 day ago on 05/29/12 at 06:23pm

Kanina pa akong 9:30 dito. Mehehe. Ngayon ko lang napansin. Naadik na naman kasi ako sa wattpad. Secretly marriage eh. Okay lang naman dahil wala parents tsaka ate ko. Buong araw ako nasa kwarto except:

  • Pag kakain
  • Maliligo
  • Iinom

Sipag ko lang. Buti naman at di din ako pinapagalitan nung katulong namin. Hahaha. Okaaaay.

1 day ago on 05/29/12 at 06:17pm

Tapos na!

Fresh na. Mehehehe. Wala naman ako mapost. Baka kada hour muna ako mag po-post. Interesado ako sa Secretly Marriage sa wattpad eh. Mehehe.

1 day ago on 05/29/12 at 04:45pm

Ligo muna ako~

Mehehe. Ang inet eh. Pampawala na din init ng ulo. Charuut. Di ako galit. Malungkot lang talaga ako.  

#Personal  #wp  
1 day ago on 05/29/12 at 03:43pm